LEON daw ang pinakamahirap paamuin sa lahat nang mababangis na hayop. Kakaiba raw kasi ang behaviour ng leon na hindi basta-basta nagtitiwala sa sinuman. Munting pagkakamali ng lalapit sa kanya, sasakmalin at papatayin ito.
Pero para kay Kevin Richardson, isang animal behaviourist, mas madaling paamuin ang leon kaysa ibang mabangis na hayop. Mas madali aniyang makuha ang loob ng leon at sa isang iglap ay makaka-bonding na ito.
Bukod sa leon, napapaamo rin ni Richardson ang cheetah leopard at hyenas at iba pang hayop na kabilang sa cat family.
Pero sa lahat ng kabilang sa cat family, ang leon ang pinaka-paborito niya. Mas nasusubok niya sa leon ang husay niya sa pagpapaamo sa mabangis na hayop.
Pinatunayan ni Richardson ang husay nang mag-spent siya sa cage ng leon. At walang anumang napaamo niya ang leon. Ni hindi siya nagkaroon ng galos o gasgas sa mga kuko ng leon. Bagkus, dinilaan pa siya na palatandaan ng pakikipagkaibigan.
Naniniwala si Richardson na ang kanyang kakaibang karisma ang dahilan kaya nakukuha niya ang kalooban ng leon. Hindi siya natatakot o nangangamba man lamang at iyon ang kanyang magic.