HINDI ko alam kung saan kumukuha ng kapal ng mukha at tibay ng sikmura ang San Jose Builders. Patung-patong na ang reklamong nakasampa laban sa kanila gayundin ang dumarating sa BITAG.
Kuwidaw, sa mga hinawakan pa lang naming reklamo, wala silang sinagot o sinulusyunan man lang. Ayun, natutulog na sa tanggapan ng Housing and Land Use Regulatory Board ang mga kaso.
Santo nga ang pangalan pero demonyo naman ang aktibidades. Grand slam at hall of famer na itong San Jose Builders sa BITAG sa rami ng reklamong panloloko sa kanilang mga kliyente.
Nitong Lunes lang, isang grupo na naman ang napasugod sa BITAG Action Center, mga kliyente ng San Jose Builders.
Reklamo nila, panay kolekta ng developer ng bayad pero ang pangakong pag-turnover sa mga biniling bahay, napako na, drawing lang pala.
Kabisado na namin ang estilo ng dorobong ito pero hindi kami magsasawang ibulgar ang kanilang kabalastugan sa publiko. Kailangan nang mahinto ang pagdami ng mga mabibiktima pa.
Ang problema kasi, pre-selling na mga bahay ang kinuha ng mga nagrereklamo. Ang estilo kasi nitong putok sa buhong San Jose Builders, ginagawang silent partner o namumuhunan ang mga kliyente.
‘Yung perang ibinayad ng kanilang biktima ang ginagamit pangtustos sa mga naunang proyektong ipinagagawa nila.
Wala namang masama sa pagbili ng pre-selling units. Nagkakaproblema lang kapag ang pinagkatiwalaang developer, tulad nitong dorobong San Jose Builders, ay hindi tumutupad sa pangako sa kanilang buyers.
Parami nang parami ang mga nagrereklamo sa delinkwenteng developer na ito. Kapalmuks na at hindi na tinatablan ng hiya sa patuloy na panloloko nila sa mga tao.
Hindi n’yo na binigyan ng kahihiyan ang Chamber of Real Estate and Builders’ Associations (CREBA). Miyembro pa man din kayo.
Disente lang masyado ang CREBA, pero ang totoo, gusto na talaga nila kayong isuka sa asosasyon dahil sa rami ng niloko n’yo.
Gusto na nilang ipagsigawan na ikinahihiya nila kayo sa pinaggagagawa niyong panloloko sa mga customer niyo. Sakit na kayo sa ulo!
Kayong sarkaterbang mga dorobo na walang kinakatakutan, magiging marahas na ako sa inyo. Gigisingin ko kayo at yayanigin