PINALAGAN ni dating Manila Mayor Fred Lim, opisyal na kandidato ng ruling party PDP - Laban, na sinasabotahe siya ng kanyang mga kalaban sa politika dahil ang mga paraphernalia na ikinakabit ng kanyang mga supporters ay binabaklas ilang minuto bago ito mailagay.
Kahit nasa mga common poster areas, ang mga tarpaulins at mga posters niya ay kinakalas ng kanyang mga kalaban sa politika na takot na siya ang manalo sa eleksyon.
‘Alam kasi nila na malaki ang lamang ko sa kanila at tiyak kakain sila ng alikabok dahil sa rami ng botong makukuha ko sa mga botante kaya naman lahat ng ‘dirty tactics’ ay ginagawa na ngayon ng mga kalaban ko.’ ani Lim.
Ang mga taga - Tondo at mga taga- Sta. Cruz, Maynila, matapos ang ginawa kong house to house campaign ay nanigurado na ako ang kanilang iboboto at ang mga kalaban ko ay sa kangkungan pupulutin sa May 13 election.
Nanawagan si Lim, sa kanyang mga kalaban na maging patas sila sa laban at tigilan na ang mga ‘dirty tricks.’
Ibinida ni Lim, na hindi nakakalimutan ng mga botante at mga residente sa Maynila ang mga nagawa niya rito tulad ng pagpapagawa ng Unibersidad ng Manila at walang bayad ito sa mga estudiante rito. Ang anim na city hospital na isa sa bawat distrito sa Manila ay libre sa gamot at sa mga ginagamot, 97 karagdagang gusali para sa elementary at high school, 59 barangay health center at 12 lying clinics, at 130 roads at kalsada na rehabilitated and upgraded.
Isa sa mga ipinangako ni Lim na kapag siya ay nanalo ay wala itong aalisin mga manggagawa sa cityhall.
Ayon kay Lim, bibigyan niya ng trabaho sa Maynila ang mga walang trabaho kaya naman magdadagdag ito ng mga street-sweepers lalo’t ngayon napakarumi ng Maynila.
Sabi nga, binaboy !
Marami ang nagtatanong kay Lim lalo’t yong mga taga - cityhall na sila ay masisibak oras na siya ang manalo bilang Mayor sa nasabing lugar kaya naman ito ay pinabulaanan niya at aniya ay gawa-gawa lamang ng kanyang mga kalaban para sirain ang kanyang kredibilidad.
‘Noong araw walang akong tinanggal sa trabaho ng ako ay manalong alkalde dahil hindi ko ugali ang manirya at maghinganti.’ sabi ni Lim.
Lahat ng mga manggagawa o empleado ay hindi matatanggal sa kanilang mga tungkulin maging ang mga casual employees ay ganoon din.
Nangako si Lim na ang mga sahod ng casual employees ay ibibigay sa oras para hindi sila masilaw sa 5-6 .
Ano sa palagay ninyo ?
Si Lim na !
Abangan.