^

Punto Mo

Dambuhalang teddy bear sa Mexico, pasok sa Guinness World Record

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Philstar.com

PASOK ang bayan ng Xonacatlan, Mexico sa Guinness Book of World Records matapos magawa roon ang sinasabing pinakamalaking teddy bear sa mundo.

Tinatayang higit 20 metro ang haba at may bigat na 4 na tonelada ang teddy bear na tinahi ng mga residente roon.

Inabot ng tatlong buwan bago nakumpleto ang higanteng stuffed toy na pinangalanang Xonita ng mga gumawa sa kanya.

Sa sobrang laki ni Xonita, inabot ng limang oras ang mga opisyal ng Guinness Book of Records para lamang sa pagsukat nito.

Ang dating pinakamalaking teddy bear sa mundo ay matatagpuan sa Kansas, USA, na nasa 16.86m ang haba.

GUINNESS BOOK OF WORLD RECORDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with