HIMALA ang nangyari kay Carol Brothers, 63 ng Easterton, England – tumigil ang tibok ng kanyang puso sa loob ng 45 minutes pero nakarekober siya. Maski ang mga doctor ay hindi makapaniwala sa nangyari kay Carol.
Inatake sa puso si Carol habang may ginagawa sa labas ng kanyang bahay. Agad tumawag ng ambulansiya ang mga kaanak ni Carol at isinugod sa hospital. Habang nasa ambulansiya, nire-revive si Carol ng paramedics.
Nang makarating sa ospital, walang tigil ang pag-resuscitate. Pero walang signs si Carol.
Gusto nang sumuko ng mga doctor sapagkat walang palatandaan na babalik ang pulso ni Carol. Wala na rin kasing brain acti-vity ito.
Pero ipinagpatuloy ang pag-resuscitate at makalipas ang 45-minuto, nagmulat ang mga mata ni Carol. Ganoon na lamang ang kasiyahang nadama ng mga kaanak ni Carol. Akala nila, tuluyan na silang iiwan ni Carol.
Maski si Carol ay hindi makapaniwala na namatay siya sa loob ng 45 minutes.