^

Punto Mo

Tuna, masama o mabuti?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

MAPAPANSIN sa nagdaang maraming taon na dumarami ang mga prosesong pagkain sa mga pamilihan na panguna-hing laman ay isdang tuna. De lata, mga produktong palaman sa tinapay, siomai, sisig, at iba pa. May mga restawran na nag-aalok ng iba’t ibang klase ng putahe sa karne ng tuna.  Kadalasan, sa mga promosyon o advertisement ng mga produktong tuna gaya ng mga nasa de lata, iniuugnay ito sa usapin ng kalusugan tulad ng pagpapapayat ng katawan at pagpapaseksi. Inilalako ang mga kabutihan nito sa puso at sa buong kalusugan ng tao. Maganda itong alternatibo sa mga pagkaing red meat o karneng maraming taba tulad ng sa baboy at baka.

Maaaring pinag-ugatan nito ang naglabasang mga pag-aaral noong araw na nagpapahiwatig sa sustansiyang makukuha sa tuna tulad ng tinataglay nitong tinatawag na omega-3 fatty acid na nakakabuti sa puso. Mainam itong irekomenda sa mga may karamdaman sa puso.

Kaso, may mga pag-aaral din na nagsasaad sa nakakalasong mercury na tinataglay ng tuna bunga na rin ng mga heavy metal na nakasiksik sa mga laman nito na nagmula sa mga nakakain nitong mga kontaminadong isda sa karagatan.  At dahil nakakasama ito sa puso, napapangi-babawan umano nito ang benepisyo sa omega-3 acid na nakukuha sa tuna.

Bukod dito, ang tuna ay nabibilang sa mga isdang salmon at sardinas na  mataas ang tinatawag na purines na nagpapataas naman sa uric acid sa katawan ng tao. At, kapag mataas ang uric acid level, mataas ang peligro sa rayuma o gout at mga sakit sa kidney at gall bladder (sakit sa bato).

Pero, dahil na rin marahil sa mga benepisyong nakukuha sa tuna, hindi naman ito tahasang ipinagbabawal ng mga dalubhasa sa kalusugan sa kabila ng mga negatibong pag-aaral laban dito. Ipinapayo na lang sa mga  tao na hinay-hinay lamang sa pagkain ng tuna. Katamtaman lamang. Huwag sobra. Huwag halos araw-arawin. Iwasan muna kung meron kang gout o rayuma o sakit sa bato.   Hindi nga lamang malaman kung gaano katamtaman ang katamtaman o paano masasabi kung sobra na?

 (Anumang reaksyon ay i-email sa [email protected])

TUNA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with