^

Punto Mo

Utol (200)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MASAYANG nag-uusap sina Gerald at Gina nang dumating sina Xander at Anna galing sa pamamas­yal.

“Seryosong-seryoso yata kayo, Utol, Gina?” tanong ni Xander.

“Oo, Xander, pinag-uusapan na kasi namin ni Gina ang kasal. Gusto na naming idaos sa susunod na buwan.’’

“Aba tama ang desisyon n’yo Utol. At kami naman ni Anna next year. Hindi puwede ang sukob.’’

“Oo, Xander. Kaya ka-yong dalawa ang aalalay sa amin – bestman at bridesmaid. Okey ba sa inyo?’’

“Oo naman. Magtatampo kami ni Anna kapag hindi kami ang kinuha n’yo, ha-ha-ha!’’

“Bagay na bagay kayong dalawa kapag nakasuot ng pangkasal,” sabi ni Anna.

“Salamat Anna,’’ sabi ni Gina. ‘‘Excited na nga ako.’’

‘‘E saan naman n’yo balak magpakasal, malamang dito na sa San Pablo ano?’’

“Oo, Xander. Diyan sa simbahan ng San Pablo. Dito na rin ang reception para lalakarin na lamang namin. Hindi na mahihirapang maghanap pa ang guests.’’

‘‘Aba okey ang naisip n’yo, Utol. Kasi malawak ang bakuran nina Gina ano at saka napakaraming mga bulaklak. Lalagyan lang ng dekorasyon at napakaganda na nito. Probinsiyang-probinsiya ang atmosphere. Marami pang puno ng lansones at mga bu-ngangkahoy. Wow ganda ng kasal n’yo Utol.’’

“Si Gina ang nakaisip nito, Xander. At ganito rin daw ang wish ng kanyang papa at mama. Gusto nilang dito ikakasal at maghahandaan ang kanilang bunso na si Gina. Yung mga kapatid daw kasi    ni Gina ay sa Maynila ikinasal at pawang sa 5-star hotel nag-reception.’’

“Ang galing ng naisip mo Gina,” sabi ni Anna.

“Kapag ikinasal kayo ni Xander, ganundin ang gawin n’yo.’’

“Oo Gina. Gagayahin  namin kayo.’’

Tuwang-tuwa naman si Xander na nagsuhestiyon.

“Ano kaya at sa Liliw naman tayo magpakasal,  Anna?’’

“Mas gusto ko sa asyen­da n’yo Xander. Tutal naman at wala na akong parents, mas pabor ako sa asyenda n’yo.’’

“Aba e di mas maganda.’’

‘‘Oo nga, Xander, sa ating asyenda na kayo magpakasal para masaya.’’ (Itutuloy)

UTOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with