^

Punto Mo

EDITORYAL - Magkaroon ng disiplina sa pagtatapon ng plastic na basura

Pang-masa
EDITORYAL - Magkaroon ng disiplina sa pagtatapon ng plastic na basura

KARAGATAN ang hantungan ng mga itinatapong basura sa ilog, sapa, estero, kanal, at iba pang waterways. Kapag hindi nagkaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura (lalo ang mga plastic), masisira ang kapaligiran. Mawawasak ang mundo. Pati mga lamandagat, apektado. Pati mga balyena, mamamatay dahil nakakakain ng plastic na tinapon ng tao.

Ayon sa report, ikatlo ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia na maraming itinatapong basurang plastic sa karagatan. Nangunguna ang China at ikalawa ang Indonesia.  Ayon naman sa United Nations, panglima ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na conributors ng plastic wastes sa karagatan. Karaniwang makikita sa karagatan ay mga basyo ng softdrinks, mineral waters, plastic shopping bags, sache ng coffee, shampoo, noodles, toothpaste tube at maski mga sako ng bigas, at iba pang basurang hindi natutunaw. Namumulaklak ang mga basurang plastic sa karagatan na hindi maubus-ubos.

Hinikayat naman ng pamahalaan ang publiko na limitahan ang paggamit ng plastics. Sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nararapat tumulong ang mamamayan para maisalba at maprotektahan ang kalikasan. Ang paghikayat na bawasan ang paggamit ng plastic ay kasunod ng pagdiriwang ng Earth Hour noong Sabado. Bahagi ng pagdiriwang ng Earth Hour ay ang sabay-sabay na pagpatay ng ilaw sa buong mundo sa loob ng isang oras.

Malaking problema ang basurang plastic. Sa kabila na marami nang mga bayan at siyudad ang nagbawal sa paggamit ng mga plastic na supot o shopping bags, marami pa rin ang hindi sumusunod. Dito sa Metro Manila, mayroon pa ring mga lungsod na hinahayaang gumamit ng supot na plastics ang mga kilalang mall. Dahil dito kaya walang katapusan ang pagkalat ng basurang plastic sa pamayanan. Wala ring epekto ang ginagawa ng ibang siyudad na paghihigpit sapagkat ang katabing bayan o lungsod ay patuloy sa paggamit ng plastic bag.

Nasa kamay ng local government units (LGUs) kung paano malilimitahan ang paggamit ng plastic sa pamayanan. Mag-isyu ng ordinansa na nagbabawal sa plastic bags o shopping bags sa mga malalaking mall. Ipatupad ito nang mahigpit at parusahan ang mga may-ari ng malls na hindi susunod. Kailangan din namang madisiplina ang mamamayan na huwag tapon dito, tapon doon.

BASURA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with