Si ER Ejercito at ang hatol sa kanya ng Sandiganbayan

NANINIWALA ang mga kasangga ni dating Laguna Go­vernor Emilio Ramon Pelayo “E.R.” Ejercito, na mababaligtad sa Supreme Court ang graft conviction nito sa Sandiganbayan.

Sabi nga, hindi pa pinal ang  guilty verdict ni ER sa Sandiganbayan 4th Division kaya iaakyat nila ito sa Supreme Court for final decision.

Laglag sa graft court si ER dahil sa paglabag sa Section 3(e) of R.A. 3019 or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act in connection with the anomalous insurance deal that the Pagsanjan municipal government na pumasok sa isang  kumpanyang First Rapids Care Ventures noong 2008.

Kailangang masuri, mahimay at makalkal ang naging decision making sa kaso ni ER kaya naniniwala ang mga alipores ng gobernador na mapapawalang sala ito pagdating sa SC.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Basta ang sinasabi tungkol sa naging kaso ni ER  sa ‘shooting the rapids’ attraction sa Pagsanjan Falls ay hindi insurance deal kundi isang programang proteksyon.

Ibinida ni ER, wala kasing nag-interes para sa bidding ng protection program  para sa mga bangkero at pasahero dahil ito aniya ay isang napaka-peligroso.

Ang deal ay dumaan pa raw sa Government Procurement Policy Board,  kaya naman walang pagnanakaw dito.

Si Ejercito ay hinatulan ng 6 to 8 years imprisonment with perpetual disqualification sa paghawak ng public office.

Habang wala pang pinal ang decision making puede pa itong tumakbo bilang Laguna governor.

Ano sa palagay ninyo manalo kaya si ER para maging gobernador ng Laguna?

Abangan.

• • • • • •

Perya ng bayan aarangkada na!

Kausap nang tatayong gambling lord ng ‘perya ng bayan’ ang mga bright authorities na patitikman ng tara ng isang alyas Piryong, operator ng pinaguusapan natin at financer nito.

Ibinida ni Piryong na hindi siya puedeng galawin sa Kyusi ng kahit na sino porke malakas daw siya sa cityhall?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Kailangan kalampagin si Piryong para ang mga pulis hindi lang sa Kyusi kundi maging sa Crame ay gumalaw at mag-inat, inat para amuyin si Piryong sa kanyang bagong gimik.

Abangan.

Show comments