MUKHANG seryoso at hindi joke only ang ginawang babala ni Boss Digong sa kanyang mga critics.
Bakit?
Sabi ni Boss Digong, maari niyang suspindihin ang writ of habeas corpus at puede rin niyang ipaaresto at mag-declare ng war hanggang matapos ang kanyang termino.
Napikon si Boss Digong ng magpatutsada si Senator Franklin Drilon na “mag-ingat nang husto” sa pagre-review ng mga kasunduang pinasukan ng gobyerno, pagkat ‘di raw basta-bastang kinakansela ang mga gumugulong nang kontrata.
Birada ni Boss Digong madami na siyang problema sa krimen, droga at rebelyon, kaya huwag siyang sagarin sahil hindi siya mangingiming ‘magdedeklara ako ng suspensyon ng writ of habeas corpus at ipa-aaresto ko kayong lahat.’
Naku, patay napikon si Boss Digong!
Ang writ of habeas corpus ay ginagamit para ilitaw sa korte ang hinuling madlang people para malaman kung sang-ayon sa batas ang pag-aresto sa kanya.
Sinuspindi rin ang pribilehiyo nito sa Philippines my Philippines tulad ng ginawa noon ni Apo Marcos noong 1971 matapos sumabog ang ilang granada sa Plaza Miranda na ikinamatay at ikina-pilay ng ilang madlang people doon.
Sana huwag na itong maulit pa dahil siguradong marami ang mapapahamak ng walang kasalanan.
Sabi nga, build pa sa mga magugutom sahil siguradong babagsak ang ekonomiya.
Ika nga, huwag na tayong mag-rebolusyon dahil pinoy versus pinoy ang maglalaban-laban.
Sabi nga, peace be with us!