^

Punto Mo

10 kuwento ng maling akala (Last part)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

8.  Sa Yiwu City, eastern China, may isang 24-hour restaurant doon na pinamamahalaan ng mag-asawa na tila walang kapaguran. Nagtataka ang mga tao kung paano natatagalan ng mag-asawa ang pagtatrabaho sa restaurant—24 hours straight nang walang pahinga. Ito ang dahilan kung bakit tinawag nila ang restaurant ng “robot couple restaurant”.

Ang hindi alam ng mga tao, ang may-ari ng restaurant ay dalawang set ng identical twins. Ang identical twins na lalaki ay napangasawa ang identical twins na babae. Palibhasa ay magkakamukha, hindi  halata na naghahalinhinan ang dalawang mag-asawa sa pag-duty sa restaurant.

9. Noong 1976, may TV production na nagpunta sa haunted house ng California amusement park upang mag-shoot ng footage para sa isang popular TV show. Ang buong akala nila ay mannequin lang ang nakasabit na katawan na ginagamit na pantakot sa mga guest ngunit natuklasan nilang ito pala ay totoong bangkay ni Elmer McCurdy. Mga 60 years na nilang ginagamit sa carnivals ang kawawang bangkay.

10. Diniborsiyo at idinemanda ni Jian Feng ng China ang kanyang misis dahil saksakan ng pangit ang mga naging anak nila. Ang hinala ng lalaki ay nanlalaki ang misis niya dahil maganda naman ito at siya naman ay may hitsura rin naman. Sa pag-iimbestiga, nabisto ni Mister na bago sila nagkakilala ni Misis, ito ay sumailalim sa plastic surgery upang ipabago ang pangit nitong mukha.

MALING AKALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with