… tungkol sa pag-ibig, pagtatalik at pagtataksil:
1. Matatabang sanggol
Ang mga sanggol na lalaki na mabilis magdagdag ng timbang sa unang anim na buwan pagkaraang ipanganak ang may malaking tsansa na maging matangkad at malakas kapag naging adult. Sila rin ang may malaking tsansa na makaranas ng sex sa murang edad.
Ang mabilis na paglaki ng sanggol sa unang anim na buwan ay palatandaan na aktibo ang kanyang testosterone. Testosterone ang tawag sa male sex hormone na may kinalaman sa paglaki ng muscle, pagiging matibay ng buto at maagang pagkamulat sa sex.
2. Facebook
Ayon sa official blog for On-Line Divorce Company, Facebook ang number 3 sa listahan ng ebidensiyang ipiniprisinta sa korte ng mag-asawang gustong magdiborsiyo. Ang ebidensiyang ginagamit ay mapanirang post sa wall ng mag-asawang magkaaway; mga sumbong ng kanilang Facebook friends tungkol sa nasaksihan nilang pagtataksil ni Misis or Mister o kaya ay malalanding mensahe ni Mister or Misis sa kanilang kabit.
3. Vitamin D
Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng researchers sa Copenhagen tungkol sa Human Reproduction, may kinalaman ang Vitamin D sa quality ng sperm cells ng 300 lalaking ginamit sa experiment. May mayaman sa Vitamin D ang katawan ng isang lalaki mas mabilis ang “paglangoy” ng kanyang sperm cell upang makakunekta kaagad sa naghihintay na egg cell. Ngunit inamin nila na kailangan pa ang mas malawak na pag-aaral upang makagawa sila ng final conclusion.
(Itutuloy)