^

Punto Mo

EDITORYAL - Tulungan ang magsasakang apektado ng tagtuyot

Pang-masa
EDITORYAL - Tulungan ang magsasakang apektado ng tagtuyot

HALOS isang buwan pa lang nananalasa ang bangis ng El Niño pero grabe na ang naidudulot na pinsala sa magsasaka. Marami sa mga itinanim nilang palay at mais ay apektado na ng tagtuyot. Pinakagrabe ang nararanasang tagtuyot sa Bicol at Soccsksargen. Dahil sa nangyayaring ito, may mga probinsiyang idineklara na sa state of calamity. Halos nagkabitak-bitak na ang mga palayan at kung wala pang papatak na ulan sa mga susunod na araw, tiyak na wala nang mapapakinabangan ang mga magsasaka. Wala silang aanihin at nakaambang magutom ang kanilang pamilya. Sa pagtatanim lamang sila ng palay at mais umaasa.

Ayon sa report, sa loob ng isang buwan na naranasan ang El Niño, umabot na sa P2.8 bilyon ang pinsalang naidulot nito sa mga palayan at maisan. Paano pa sa pagsapit ng Abril, na ayon sa PAGASA ay mas lalo pang titindi ang tagtuyot. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang grabeng tinamaan ng tagtuyot ay mga magsasaka ng palay at mais. Idineklarang nasa state of calamity ang mga rehiyon ng Mimaropa, Zamboa­nga, Soccsksargen at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Grabe ring tinamaan ang Ca-labarzon, Western Visayas at Eastern Visayas.

Nakababahala ang nangyayaring ito sapagkat kung magpapatuloy ang tagtuyot, apektado ang source ng pagkain ng bansa. Malaking porsiyentong pinagkukunan ng pagkain ay ang sakahan. Kapag napinsala ang mga palayan at maisan, walang ibang aasahan ang bansa kundi ang pag-import. Walang magagawa kundi ang umangkat. At paano kung magtagal pa nga ang nararanasang tagtuyot, ganundin katagal na nakadepende ang bansa sa mga pagkaing inangkat.

Nararapat saklolohan ang magsasaka sapagkat wala na silang mapupuntahan. Pahiramin ng puhunan para magamit sa ibang pagkakakitaan. Subukan naman ang ibang paraan para mapatubigan ang mga palayan at baka mayroon pang maisalba. Isagawa ang cloud seeding at ang paghuhukay ng mga balon na pagkukunan ng tubig.

TAGTUYOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with