^

Punto Mo

Kalapati, naibenta sa record na $1.4-m

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kalapati na pangkarera ang in-auction online at binili sa presyong $1.4 million (katumbas ng higit P73 milyon) ng isang Chinese buyer.

Ito’y ayon sa PIPA, ang website na nag-organisa ng pagpapasubasta sa kalapati ng Belgian breeder na si Joel Verschoot. Ayon sa nasabing auctioneer, ang kalapati na pinangalanang Armando ang pinakamahal na naibenta sa presyong $1.4 million.

Ayon sa website, inasahan na nilang makakakuha ng mataas na presyo si Armando, na kinikilala bilang “the best long distance pigeon of all time,” ngunit hindi nila inaasahan na aabot sa higit $1 milyon ang magiging huling presyo nito.

Minsan lang daw kasi ang mga kampeong kalapati na katulad ni Armando, ayon pa sa PIPA.

Bago nakuha ni Armando ang record para sa kalapating may pinakamataas na presyo ay naitala ito ng kalapating si Nadine, na naipagbenta sa presyong $450,000 (katumbas ng P23 milyon) sa isang 2017 auction. Isa ring Chinese na mahilig sa pangangarera ng mga kalapati ang bumili kay Nadine.

 

KALAPATI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with