^

Punto Mo

Ang Motorcycle Prevention Act!

RESPONDE - Gus Abelgas - Philstar.com

Halos kapipirma-pirma pa lamang ni Pangulong Digong sa Republic Act 11235 o ang ‘Motorcycle Prevention Act’.

Nakapaloob sa batas ang paglalagay ng malaking plaka sa likod at harap ng motorsiklo. Magiging color-coded ang registration ng mga motorsiklo para madali umanong malaman kung saang rehiyon at lalawigan ito narehistro.

Sa gayon, madaling matutunton lalo na kung masangkot ito sa krimen.

Mabigat na parusa ang ipapataw sa mga lalabag kabilang ang parusang pagkakulong mula anim hanggang 12 taon o multa na mula P50,000 hanggang P100,000.

Maganda  ang layunin ng batas, lalo pa nga at talamak na talaga na nagagamit sa maraming krimen ang mga motorsiklo, pero tumututol dito ang ilang motorcycle groups kasabay nang pagsasabing pahirap na naman umano ito sa masa na katulad nila dahil sa dagdag gastusin ito.

Bukod dyan, pwede rin umanong pagsimulan ng disgrasya ang malaking plaka lalo na sa harap ng motorsiklo.

Pwede umano itong makalas habang tumatakbo at kung anu-ano pa.

Dahil sa mga matinding pagtutol, mistulang hindi pa nga naipapatupad ang batas, ay agad nang may pagbawi sa ilang nilalaman o probisyon nito.

Hindi na raw ipapatupad ang malaking plaka sa harapan ng motorsiklo sa likod na lang at sa harap ay maaaring decal sticker o RFID na lamang ang ikabit.

O di ba klasik, kakasabatas pa lang, may nag-ingay lang, ayun may babaguhin na agad.

Sana ay natignan na ang ganitong mga bagay noon pa man. Sana narinig na ang panig ng mga maaapektuhan at noon pa man ay nagawan na nang paraan o naremedyuhan.

Batas na sana ay ipapatupad na, hindi pa pala!

Anong nangyari?

MOTORCYCLE PREVENTION ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with