Paano makaka-tulong…… sa asawa o kapamilyang tumigil sa paninigarilyo?
Gawin ito:
• Irespeto ang desisyon niyang baguhin ang kanyang lifestyle. Challenge niya iyon sa kanyang sarili at wala kang “paki”.
• Ipag-stock mo siya ng mga hard candies o nuts na puwede niyang pagbalingan kapag naglalaway siya sa sigarilyo.
• Nasa “difficult transition” siya kaya kung hindi siya nakakatulong sa mga household chores, ikaw muna ang gumawa para gumaan ang kanyang dinadalang “pressure”.
• Ipag-celebrate ninyo ang bawat araw na hindi siya tumitikim ng sigarilyo. Maituturing na itong munting tagumpay.
Huwag mong gagawin:
• Patulan ang kanyang mga “sumpong” at pagsusungit. Nagiging mainitin ang kanyang ulo dahil nasa “nicotine withdrawal” stage siya. Lilipas din ito pagkatapos ng 2 weeks.
• Huwag kang magpayo, hindi niya kailangan ‘yun. Tanu-ngin lang kung ano ang maitutulong mo sa kanya.
Kung naninigarilyo ka rin:
• Sumabay ka na sa pagku-quit. Mahirap mag-quit kung patuloy pa rin siyang nakakaamoy ng usok o nakakakita ng naninigarilyo.
• Huwag aalukin ng sigarilyo ang quitter, kahit pabiro.
Kung nabigo sa pagtigil at bumalik muli sa paninigarilyo:
• Huwag mangangantiyaw o mainis sa kanya. Sa halip, purihin siya na nakaya niyang tumigil kahit sa maikling panahon at iyon ay isang panimulang hakbang tungo sa pagtigil ng bisyo. Ipaalalang may second chance pa upang ipagpatuloy ang nasimulang pagbabago.
• Huwag magsasawang ibigay ang iyong suporta. Ayon sa mga eksperto, 5 hanggang 7 beses “titigil-babalik” sa paninigarilyo ang mga smokers bago tuluyang wakasan ang pagsipa sa bisyong ito.
- Latest