^

Punto Mo

Janella, maganda ang tsansa sa San Juan!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

KAMPANTE si San Juan City Vice Mayor Janella Ejercito Estrada sa tsansa niya sa darating na May elections. Si Janella kasi mga kosa ay tatakbo bilang mayor ng siyudad na babakantehin ni Mayor Guia Gomez na three termer na.

Ang mahigpit na katunggali ni Janella ay si dating Vice Mayor Francis Zamora, na tinalo ni Mayor Gomez sa dalawang magkasunod na halalan. Sa panayam sa mga miyembro ng Metro East-Rizal Press Organization (MERPO) noong Huwebes, panatag ang loob ni Janella sa tsansa niya kahit halos limang taon nang nangangampanya si Zamora.

Kahit mahigpit ang labanan nila ni Zamora, ayon kay Janella lamang siya at kung sa ngayon gaganapin ang elections ay tiyak ang panalo niya. Sa totoo lang mga kosa, maaring matindi ang labanan sa pagitan nina Janella at Zamora sa darating na election subalit hindi nakasama ang San Juan sa limang areas of concern ng Commission on Elections (Comelec) sa Metro Manila.

‘Yan ay dahil sa walang election-related incidents na nangyari sa San Juan noong mga nakaraang elections. Get’s n’yo mga kosa? Kaya sa ngayon pa lang, dapat pagsabihan na nina Janella at Zamora ang kanilang mga alipores na ‘wag gumawa ng gulo para hindi madungisan ang peace and order situation ng San Juan sa mata ng Comelec. Tumpak! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa? Tiyak ‘yun!

Kaya naman nasabi ni Janella na kampante s’ya dahil 14 pala sa 21 barangay chairmen sa San Juan ay nasa bakuran niya. Sa hanay naman ng mga konsehal, aba dalawa lang ang nakawala sa kuwadra niya at isa rito ay tumatakbo pang vice mayor sa tiket ni Zamora.

Kaya kung susuma­hing maigi, itong mga barangay chairman at konsehal ay may kanya-kanyang supporters kaya sa tingin ni Janella mas malaki ang tsansa niyang manalo. Maliban sa suporta ng mga barangay chairman at konsehal, makadagdag pa sa boto niya ang mga magagandang proyekto, hindi lang ni Mayor Gomez, kundi maging ‘yung mga naunang namuno ng San Juan, aniya.

Kung sabagay, kung anu-anong proyekto na ang sumulpot sa San Juan, kabilang na ang San Juan Medical Center na na-expand pa. Hindi lang ‘yan! Marami ring naipatayo na housing project si Mayor Gomez kaya kokonti na lang ang matawag na squatters sa kanyang siyudad.

Nang tanungin ko kung ano ang masasabi niya sa slogan ni Zamora na panahon na para kitlin ang halos 50 anyos na pamamahala ng Estrada clan sa San Juan, sinabi ni Janella na ang mga botante ang maghuhusga niyan sa darating na Mayo. Araguuyyyy! Hak hak hak! Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Bilang vice mayor, si Janella ang naatangan na manguna sa kampanya ng City government kontra droga. Mahigit 500 na mga adik ang pinasailalim sa spiritual, medical, psycho-social at livelihood training na kung tawagin ay “Rehab sa Barangay” program na umani ng papuri sa DILG, PDEA, NCRPO at Dangerous Drugs Board (DDB).

Sa ngayon, natutuwa ang mga dating adik dahil mayroon na silang trabaho at nagkaroon pa ng panibagong pag-asa sa buhay. Teka nga pala! Makakatulong kaya sa paghatak ng botante ang aktor na si Edu Manzano na kakalabanin si Rep. Ronaldo Zamora bilang congressman ng siyudad? Abangan!

JANELLA EJERCITO ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with