^

Punto Mo

EDITORYAL - Tipirin ang tubig

Pang-masa
EDITORYAL - Tipirin ang tubig

NASA critikal level na ang tubig sa La Mesa Dam makaraang bumaba sa 68.93 meters noong Linggo ng hapon. Ang pinakamababang level ay 69 meters at sabi ng PAGASA, maaaring magtutuloy pa ang pagbaba ng level dahil sa nararanasang El Niño sa kasalukuyan. Mula pa Disyembre ay hindi na umulan sa Metro Manila, particular sa paligid ng La Mesa Dam sa Novaliches, Quezon City. Ang inaasa-hang ulan ay mararanasan pa umano sa unang linggo ng Mayo. May binabantayang sama ng panahon sa bahagi ng Mindanao subalit napakalayo pa nito at maliit ang tsansang maging bagyo na magdadala sana ng ulan.

Ang Manila Water na kumukuha ng supply sa La Mesa Dam ay nag-umpisa nang magbawas ng pressure at supply sa kanilang customers. Nagkaroon na ng water interruptions sa ilang lugar sa Metro Manila kabilang ang Mandaluyong, Quezon City at ilang lugar sa Rizal province.

Nagrarasyon na ng tubig ang Manila Water sa mga residente. Araw-araw na ang pagrarasyon at marami na ang nagrereklamong customer particular ang may negosyo gaya ng karinderya at mga restawran. May mga residente sa QC na mineral water na ang ginagamit na pampaligo.

Ipinapayo ng Manila Water sa kanilang custo-mers na mag-ipon ng tubig at tipirin ang gamit nito. Tamang dami lamang umano ang ipunin o sapat para sa pamilya. Ang nararanasan daw na water interruptions ay ginagawa para mapatagal ang supply ng tubig hanggang sa dumating ang tag-ulan.

Nakikiusap ang water concessionaire na tipirin ang paggamit ng tubig at kung maaari ay i-recycle ang paggamit. Ang pinaghugasan ay maaring gamiting pandilig sa mga halaman.

Nakikita na ang kinakaharap na kasalatan sa tubig kaya dapat nang kumilos ang pamahalaan ukol dito. Magsagawa na ng cloud seeding para magkaroon ng ulan. Ito lamang ang tanging paraan para madagdagan ang tubig sa dam. Sundin naman ng mamamayan ang payo ng Manila Water na tipirin ang paggamit ng tubig. Huwag mag-aksaya sapagkat nasa kritikal nang lebel ang tubig sa dam.

EL NIñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->