Ang physical appearance, height at complexion ay one percent lang ang naiaambag sa tagumpay ng isang tao. Ang 99 percent kasi ay mula sa sipag at tiyaga.
Time is great healer and great killer. Nakapagpapagaling ito ng “sugat” ng nakaraan. Pero pinapatay nito ang iyong kinabukasan kung wala kang ginawa kundi aksayahin ang iyong panahon sa mga walang kakuwenta-kuwentang bagay.
Ang pakikinig sa payo ng mga magulang, kaibigan at kamag-anak tungkol sa anong kurso ang dapat pag-aralan sa kolehiyo ay lalong nakakagulo ng isip kung ano talaga ang iyong gusto. Magbasa, mag-research at magtanong sa mga taong ang propesyon ay ‘yung iyong pinapangarap pag-aralan.
Ito ay korni sa iba pero kung tutuusin ay mas mainam gawing prinsipyo sa buhay: Never work for money, work for passion. Totoong nangyari ito sa aking buhay. Noong nagtrabaho ako bilang food technologist sa iba’t ibang kompanya, ang pinakamatagal ko nang job tenure ay tatlong taon kahit pa malaki ang aking suweldo.
Nagre-resign lagi ako dahil hindi na ako masaya. Ngayon, tuluy-tuloy ang aking pagtatrabaho bilang manunulat sa iisang kompanya simula 2003 hanggang kasalukuyan dahil hilig ko talaga ang pagsusulat.
Hindi makakalutas ng problema ang pagrereklamo, sa halip, maging resourceful para mahanapan ng solusyon ang problema.