^

Punto Mo

Dapat ipa-deport ang bastos na Chinese

PULSO NG MASA - Pang-masa

Napakabastos ng estudyanteng Chinese na tinapunan ng taho ang isang pulis na nagbabantay sa MRT-3 Mandaluyong Station. Dapat sa Chinese ay agad ipa-deport at huwag nang hayaang makapasok sa bansa. Grabe ang ginawa ng Chinese sapagkat hindi na iginalang ang nakauniporme. Dapat nang oras ding iyon ay umaksiyon ang Bureau of Immigration at agarang dinala sa airport ang bastos na Chinese at pinasakay ng eroplano pabalik ng China. Iyan ang dapat gawin sa bastos na katulad niya.

Siguro kung Pilipino ang gumawa nito sa China (na alam kong hindi gagawin dahil matino ang mga Pinoy) baka nabugbog na siya roon ng mga Chinese police at mahihirapan nang makauwi rito.

Humahanga naman ako sa pulis na tinapunan ng taho dahil sa pagiging cool at wala man lang sinabing masama sa bastos na babaing Chinese.

Dapat pagkalooban ng komendasyon si PO1 William Cristobal dahil sa pagiging malamig ang ulo at naging pasensiyoso. Bihira na ang ganitong pulis sapagkat ang alam ko, may mga pulis na agad namamaril kapag nasaktan o nakanti man lang ng civilian. Itong si PO1 Cristobal ay nagpakahinahon habang kitang-kita ang mga tumapong taho sa kanyang asul na uniporme.

Mabuti naman at pinatikim ni Gen. Eleazar ng NCRPO nang masasakit na salita ang Chinese. Siguro kung hindi rin cool si Eleazar ay baka natuktukan niya sa ulo ang Chinese gaya nang ginawa niya sa mga corrupt na pulis na kanyang nahuhuli.

Masuwerte pa rin ang Chinese at mabait si Eleazar. Kung ako kay Eleazar, irerekomenda kong ipadeport na ang Chinese at huwag nang hayaang makabalik dito. Huwag na huwag na siyang pupunta rito.

Dapat namang bigyan ni Gen. Eleazar ng promotion si Cristobal dahil sa pagiging mahinahon. Kailangang mabigyan ng parangal ang pulis na ito.

Kailangang mabigyan ng leksiyon ang Chinese para hindi na niya ulitin. Kung sa ibang bansa niya ito gagawin baka mas malala pa ang danasin niya.

Marami pong salamat sa PM.

-- ANDIE MASCARINAS, J.P. Rizal St. Makati City, [email protected]

Related video:

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with