^

Punto Mo

Nagti-text kumokonti na?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

NITONG nagdaang ilang mga taon, nararanasan ko na rin na kapag meron akong pinapadalhan ng text messages o short messaging system (SMS) sa pamamagitan ng smartphone o kahit na basic cell phone, hindi sumasagot ang tini-text ko sa hindi malamang kadahilanan. Matatapos ang maghapon hanggang gabi na wala akong natatanggap na reply mula sa kanya. Ipinalalagay ko na lang na baka wala siyang load o wala o mahina ang signal ng telepono niya o baka nakapatay ito o baka lubha lang siyang may pinagkakaabalahang iba o baka natutulog. Ang mas masakit na huwag naman sana, baka nanakaw ang cell phone niya. Pero, nang buksan ko ang account ko sa social media na Facebook, bubulaga sa harap ko ang sagot  niya sa private messenger nito at nagpapaliwanag at humihingi ng paumanhin na wala siyang load kaya dito na lang siya sa FB sumagot.

Iyon ang isa sa kakatwa o maaaring nakakatawang sitwasyon sa makabago nating panahon. Maraming tao na rin ang hindi makapag-text hindi dahil busy sila o walang signal o nakapatay ang cell phone kundi wala silang load. Ibang usapin na siguro kung bakit hindi sila magpa-load. Pero nagagawa nilang magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng online chat sa FB, Viber, Instagram at iba pang social media platform na merong online messaging sa tulong ng smartphone na dapat din sanang nagagamit sa pagpapadala ng mga SMS o text message. 

Dahil marahil sa tinatawag na free data o wi-fi sa mga smartphone ngayon, nagagawa nang magpadala ng mensahe kahit walang load ang sim card nito.  Baka magkatotoo ang pagtataya ng ilang eksperto sa information technology na darating ang panahon na mamamatay na rin ang SMS.

Maging ang acting secretary ng Department of Information and Communication na si Eliseo Rio ay nagpahayag kamakailan na kumokonti na ang mga Pilipino na nakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng text messaging. Karamihan na anya ng mga cell phone user sa bansa ay gumagamit na lang ng online chat at messenger apps. Sa nagdaang tatlong taon anya, bumaba nang 40 porsiyento ang text messaging. Ganito rin ang porsiyento ng mga gumagamit ng mobile phone na lumipat sa online messaging noong 2016. Kasunod umano ito ng pagkakaroon ng 4G LTE services sa Pilipinas na nagpapahintulot sa mas mahusay na chat connectivity.

Sabagay, sa chat messenging, marami kang puwedeng kausapin nang sabay-sabay na meron pang video na hindi tulad sa SMS na point-to-point lang at matagal ang sagutan.

KUMOKONTI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with