BAYANI ang turing ngayon sa alagang aso ng isang lalaki sa Minnesota matapos nitong sagipin ang matandang kapitbahay nila na natumba sa labas ng bahay sa gitna ng nag-yeyelong temperatura.
Nasa labas ng bahay si Tim Curfman ng Ale-xandria, Minnesota upang magtapon ng basura nang bigla na lang daw kumilos ng kakaiba ang kanyang apat na taong black labrador na si Midnight.
Nang sundan niya ang alaga ay saka niya nalaman ang dahilan ng ikinikilos nito: ang kanyang 87-anyos na kapitbahay na si Noreen na nadatnan nilang naka-handusay sa gitna ng niyebe sa labas ng kanyang bahay.
Natumba pala ang matanda nang lumabas ito upang punuin ang lalagyan ng pakain sa ibon.
Kalahating oras na sa nasabing kalagayan si No-reen, na hindi nakatayo dahil sa basa niyang guwantes at wala rin siyang sapat na lakas para itayo ang sarili.
Mabuti na lamang at natagpuan siya nina Tim at Midnight, kaya wala siyang tinamong pinsala mula sa pagkakababad sa lamig.
Kaya naman simula ngayon ay itinuturing na raw ni Noreen bilang “personal hero” si Midnight.