^

Punto Mo

EDITORYAL - May earthquake drill pa ba?

Pang-masa
EDITORYAL - May earthquake drill pa ba?

MAY gagawin bang earthquake drill nga­yong taon na ito? Kung meron, dapat isagawa na para maihanda ang mamamayan sa pagtama ng lindol. Maaaring mag-panic ang mga tao dahil hindi nila alam ang gagawin. Taun-taon ay nagsasagawa ng earthquake drill pero ngayong 2019, tila walang balak magsagawa ng drill para sa lindol. Walang iniaanunsiyo ang Metro Manila Development Authority (MMDA) kung kailan magkakaroon ng drill. Ang MMDA ang laging nangunguna sa pagsasagawa nito.

Mahalaga ang pagsasagawa ng drill lalo pa’t may mga paglindol na naitatala sa maraming bahagi ng bansa. Noong Linggo, dakong 2;24 p.m. isang magnitude 5.1 na lindol ang yumanig sa Hernani, Eastern Samar. Wala namang na­italang pinsala ang lindol. Una rito, may mga naitala na ring paglindol ngayong taon na ito sa ilang bahagi ng Mindanao at Visayas. Hindi naman malakas pero nakapagdudulot ng pangamba sa mga residente.

Ang mga naganap na lindol sa Visayas at Mindanao ay maaaring mangyari rin sa Metro Manila kaya mahalaga ang pagdaraos ng drill para maihanda ang mamamayan. Kadalasang nagpapanik ang mamamayan kapag lumilindol kaya may mga namamatay.

Sabi ng Philippine Institute on Volcanology and Seismology (Phivolcs), walang makapipigil sa paggalaw ng West Valley fault kaya kailangan ang earthquake drill para maihanda ang mamamayan sa the “Big One”. Iinilabas ng Phivolcs ang mga lugar na sakop ng faultline ganundin ang mga istruktura na nasa ibabaw nito. Ayon sa Phivolcs, ang faultline ay nagsisimula sa Montalban, Rizal at nagtatapos sa Carmona, Cavite.  Kung tatama ang 7.2 na lindol sa nasasakop ng faultline maraming mamamatay. Noong 2013, nagbabala na ang Phivolcs na kapag tumama sa Metro Manila ang 7.2 magnitude na lindol, 37,000 katao ang mamamatay at ang pinsala ay aabot sa P2.4 trillion.

Pakiusap sa MMDA na magsagawa ng regular na earthquake drill para maimulat ang mamamayan. Kapag may sapat na kaalaman ukol sa lindol at alam ang gagawin, walang mamamatay. Mahalaga ito para sa lahat.

EARTHQUAKE DRILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with