DAHIL diumano sa kakulangan ng mga Australyanong role model na nagpamalas nitong nakaraang taon ng magagandang katangian katulad ng kasipagan, determinasyon, at katapatan, isang diyaryo roon ang nagpasyang kabayo na lang ang kanilang pipiliing “Australian of the Year.”
Taun-taon, pumipili ang The Daily Telegraph ng Australian of the Year base sa iba’t ibang batayan at ayon sa nasabing pahayagan ay tanging ang champion racehorse na si Winx lamang daw ang pasok sa lahat ng kanilang criteria.
Masasabi namang pang-aasar lang ang pagpili sa nasabing kabayo dahil isinabay pa ito sa pag-aanunsiyo sa opisyal na Australian of the Year na karaniwang ginagawa tuwing January 26, bisperas ng Australia Day.
Walo ang nominado para sa opisyal na Australian of the Year at hindi katulad ng napili ng The Daily Telegraph ay pulos tao ang mga ito.
Kabilang sa walo si Richard Harris na isa sa mga tumulong sa pagsagip sa 12 kabataang taga-Thailand na naipit sa loob ng kuweba noong isang taon.