BI detention cell

NASA balad ng alanganin ang pamunuan ng Bureau of Immigration detention cell sa Taguig City, matapos magsagawa ng surprise attack sa mga banyagang naka”detained dito.

Sabi nga, nasa hot water!

Hindi biro ang nakulimbat este mali nakumpiska palang mga pinagbabawal na kagamitan sa loob ng detention cell.

Isang Atty. Jesselito Castro, Chief of Staff ni BI Commissioner Jaime Morente, ang nanguna sa raiding team para sa ginawang inspection.

Ayon sa BI, observers, si Castro ang namuno bilang Intelligence at Regional Special Operation Unit ng National Capital Region Police Office kaya naman nagtataka ang kasamahan nito sa bureau kung ano talaga ang puesto niya at saan siya nanunungkulan.

Sinuerta naman ang mga alagad ni Castro dahil sa mga nakuha nila sa detention cell ng mga nakakulong na foreign nationals.

Ang mga nakuhang epektos ay mga cellphone, portable air con­dition units, port­able wi-fi,  mga bakal na gunting, laptops, DVD players, deck of cards, at lighters.

May kumanta sa mga autoridad kaya nagplano silang sa-lakayin ang detention cells.

Mahigpit na ipinagbabawal ang mga gadgets na nakumpiska sa selda.

Umaabot sa 236 dayuhan ang nakakulong sa BI detention cell habang ang deportation order  laban sa kanila ay inihahanda. Abangan!

• • • • • •

Si Satanas lumutang sa lupa

Nanggagalaiti sa galit at nagngi-ngitngit ang madlang people na nakarinig sa ginawang kahayupan ng isang 22 years old sa isang 8 months old na bebot.

Sabi nga, ginahasa ng animal!

Gusto durugin ng madlang pinoy ang suspect na nahuli ng kapulisan para iganti ang baby sa ka animalang ginawa ni Judas.

Sana pag nabistahan ka magkaroon ng milagro at madapa ka sa kasalanang ginawa mo sa baby.

Abangan.

Show comments