^

Punto Mo

Nakaaaliw na trivia tungkol sa alak

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Part III)

Ang red wine ay sinasabing may positive health be-nefits. Sa mga moderate drinkers, bumababa ang tsansa nila na magkaroon ng type 2 diabetes ng 30 percent.

Ang takot na uminom ng alak ay may “oenophobia”.

Kung umiinom ng alak, alin bahagi ng wine glass ang hahawakan. Sa “stem” (payat na bahagi) hahawak upang hindi tumaas ang temperature ng alak.

Bakit nakahiga ang bote ng alak kapag itinatago ito sa cellar? Kung nakatayo ang bote, ang cork ay matutuyo at delikadong malaglag at humalo sa wine.

Upang makuha ang parehong amount ng anti-oxidant sa alak, kailangang uminom ng 20 glasses of fresh apple juice or seven glasses of fresh orange juice.

Ang red wine ay bagay na ipartner sa red meat. Ang white wine naman ay mas mainam isilbi kasama ng chicken and fish. Kung kumakain ng panghimagas at gusto pa rin ng wine, partneran ito ng sweet wine.

Ipinagbabawal sa mga babae noong Roman times ang pag-inom ng alak. Puwede siyang patayin ng kanyang asawa kapag nahuli siyang umiinom ng alak.

Ayon sa philosopher na si Plato, katamtaman lang dapat ang pag-inom ng alak sa mga taong nasa pagitan ng 18 hanggang 30 years old. Puwede nang uminom nang maramihan ang mga taong lampas ang edad sa 40 dahil nakakalakas ng energy ang alak sa mga tumatanda na.

Noong 1997, nagkaroon ng experiment sa isang supermarket sa US. Ginawa ito sa loob ng isang linggo. Halinhinan nilang pinatutugtog ang French at German music. Naobserbahan nila na French wine ang binibili ng mga kostumer kapag French music ang pinapatugtog at German wine ang binibili kapag ang pumapailanlang sa buong supermarket ay German music.

Sa Spain, ang pinaghalong red wine at Coke ay tinatawag na Kalimotxo.

RED WINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with