ISANG babae sa Idaho na inakalang siya ay tumataba lang dahil sa menopause ang nadiskubreng may 50-pound na tumor pala siya na ilang dekada nang tumutubo sa kanyang katawan.
Buong akala ni Brenda Cridland, dulot lang ng edad ang paglobo ng kanyang timbang ngunit nang hindi na naging maganda ang lagay ng kanyang kalusugan ay nagpasya na siyang magpatingin sa doktor.
Masuwerte pa rin si Cridland dahil sa pamamagitan ng CT scan ay napag-alamang hindi pala taba ang nagpapabigat sa kanyang timbang kundi isang 50-pound na dambuhalang tumor.
Bagama’t benign o hindi naman cancerous ay iniipit pa rin ng tumor ang ilan sa mga organs ni Cridland, kaya sumama ang kalagayan ng kanyang kalusugan.
Ayon kay Cridland, nabawasan ng 65 pounds ang kanyang timbang matapos siyang operahan at tanggalin ang tumor.