^

Punto Mo

Sinukuan Lodge No. 16

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

SA February 8, 2019, ang 116th public installation of officers for Masonic year 2019-2020 ng Sinukuan Lodge No. 16, kaya naman nangungumbida sa lahat ng mga kuyang ng iba’t-ibang Masonic Lodges si incoming Worshipful Master Bro. Jimmy T. Lao.

Ika nga, sa Jose Abad Santos Hall, Grand Lodge of the Philippines my Philippines ito gagawin.

Sabi nga, huwag na hindi kayo pupunta mga brethren !

Ang mga bagong halal na mga opisyal ng Sinukuan Lodge No. 16, ay ang mga kuyang na sina Worshipful Master Bro. Jimmy T. Lao, Senior Warden Bro. Ian Dwight Y. Bangayan, Junior Warden Brother Domingo B. Fernandez, Treasurer Brother Richard A. Peralta, Secretary Bro. Raymund L. Ipio, Auditor VW Hubert A. Formento, Chaplain Brother Roberto C. Satiada, Marshall Brother Edgardo T. Laiz, Senior Deacon Brother Fernando Opelanio, Junior Deacon Brother Jose E. Umlas, Orator Brother Danny N. Nacilla Sr., Almoner Brother Joseropi Roncal, Keeper of the Works Brother Lawrence John M. Perez, Senior Steward Brother Jimmy R. Boado, Organist Brother Peter U. Loh, Lodge Lecturer Brother Chris Reyes, Historian Brother Nelson S. Javier, Tyler WB Edgar M. Nierras at Lodge Harmony Officer VW Joselito F. Salido.

Si RW Cong. Johnny T. Pimentel, JGW, ang Guest of Honor at Speaker.

Sina VW Emmanuel Diesla, PDGL ang installing officer, Master of Ceremonies si VW Edgardo C. Reyes, DGL at ang Assistant Master of Ceremonies ay si VW Hubert. A. Formeno, DGL.

Ang pinakamasarap at masayang  parte dito ay ang tsibugan blues o  ang ‘fellowhiip’ pagkatapos ng installation.

Ano pa ang inaantay ninyo ?

Para sa mga brethren ang attire ay black coat ang tie samantala sa mga bisita ay smart casual.

Maghanda na para dumalo !

Abangan.

* * *

2 Malaysian nationals timbog ng NAIA BI - TCEU

Mukhang minaliit ng mga sindiakto ng human trafficking ang mga taga - Bureau of Immigration Travel Control Enforcement Unit sa NAIA dahil nagbalak silang magpalusot ng dalawang Malaysian nationals gamit ang Tawainese passports.

Anyare, huli ang dalawang kamote sa departure area ng NAIA T2 at T3.

Buti nga !

Sa ulat na ipinadala ni Danieve Binsol, terminal head ng BI - TCEU sa NAIA T2 , kina BI Commissioner Jaime Morente, Atty. Grifton Medina, BI port operation division head at Erwin Ortanez, overall head ng BI - TCEU, na isa sa dalawang Malaysian national ay ‘fugitive’ sa kanilang bansa dahil sa kasong ‘gambling.’

Hindi na nagbigay ng detalye si Binsol tungkol sa fugitive pero mismong taga - Taipei Economic and Cultural Office sa Philippines my Philippines ang nag-verify ng Taiwanese passports na ginamit ng dalawang kamote matapos mabukong hindi kanila ang mga pasaporteng ipinakita sa immigration officers.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas sa BI detention cell ang dalawang Malaysian nationals habang inaantay ang kanilang deportation orders para pabalikin sa kanilang pinanggalingan..

Sinabi ni Binsol, na maraming nagtatangkang magpalusot na mga sindikato ng human trafficking dahil isinasabay nila ang kanilang mga kliente sa dami ng mga umaalis na passengers sa NAIA.

‘Ang akala ng mga sindikato ay makakalusot ang pasahero nila sa NAIA.’ sabi ni Binsol.

Ano ang dapat nilang gawin ng sindikato ng human trafficking para makapag-biahe ng matiwasay at makalabas sa Philippines my Philippines ?

Sagot - umpisahan na nilang palanguyin sa dagat ang kanilang mga kliente.

Abangan.

JIMMY LAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with