^

Punto Mo

EDITORYAL - PNP, nalusutan sa mga paputok

Pang-masa
EDITORYAL - PNP, nalusutan sa mga paputok

KAKAUNTI ang nasugatan sa paputok habang ipinagdiriwang ang pagpapalit ng taon. Bumaba ng 68 percent ayon sa Department of Health (DOH). Pero may nasugatan pa rin. Hindi naabot ang 0 percent target na walang masusugatan sa pagdiriwang ng Bagong Taon. At malaki ang pananagutan ng Philippine National Police (PNP) kung bakit meron pa ring nasugatan sa paputok. Ibig sabihin, nalusutan sila.

Ayon sa DOH ang pagbaba ng bilang ng mga nasugatan sa paputok ay maituturing na “historic”. Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque III, ito raw ang pinakamalaking reduction sa bilang ng mga nasugatan sa paputok. Dalawang bagay ang sinabing dahilan ng Health secretary sa pagbaba ng bilang ng mga na-injury. Una, dahil sa Executive Order No. 28 na nilagdaan ni President Duterte na nagbabawal sa mga malalakas at mapanganib na paputok at ikalawa, dahil sa pag-ulan noong bisperas ng Bagong Taon. Dahil sa tindi ng ulan, hindi magawang lumabas ng mga tao para makapagpaputok sa kalye.

Maaaring tama ang DOH secretary na nabawasan ang mga nasugatan dahil sa EO 28 at sa pag-ulan. Pero sa aming paniwala, malaking factor ang pag-ulan kaya nabawasan ang mga nasugatan. Hindi sila makapagpaputok sa kalye sapagkat mababasa at mawawalan nang silbi ang biniling Judas belt, pla-pla, Goodbye Philippines, Goodbye Bading, Superlolo, five star at maski ang mga piccolo na kasamang ipinagbabawal sa EO 28. Naniniwala kami na marami pa ring nakabili ng paputok kahit bawal at hindi lang nila mapaputok dahil sa ulan.

Kung nagkataon na hindi umuulan noong bisperas ng Bagong Taon, tiyak na maraming magpapaputok at tiyak din na maraming masusugatan, mapuputulan ng daliri at braso, mabubulag o masusunog ang mukha dahil sa malalakas na paputok.

Kinabukasan (Enero 1), maganda ang panahon kaya ginamit na ang mga paputok kaya meron pa ring humabol na naputukan sa kamay at mukha. Hindi lamang mga bata ang naputukan kundi pati ang mga matatanda na dahil sa kalasingan, nalimutang ihagis ang sinindihang rebentador kaya sumabog sa kamay.

Nalusutan ang PNP na nagsabi noon na maigting at mahigpit daw ang gagawing pagkumpiska sa mga illegal na paputok. Kung mahigpit, bakit may mga nakalusot at nakapagpaputok na naging dahilan ng pagkaputol ng mga daliri. Sana, sa susunod na pagdiriwang ng Bagong Taon, maaabot na ang 0 percent casualty.

PAPUTOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with