ISANG kompanya sa China ang inulan ng batikos matapos nitong pagmultahin ang mga empleyado nito na hindi makakapaglakad ng 180,000 hakbang sa loob ng isang buwan.
Ayon sa kakaibang company policy ng hindi na pina-ngalanang real estate firm sa Guangzhou ay magbabayad ng multang 0.01 yuan (katumbas ng 7 sentimo) sa bawat hakbang na kulang sa 180,000 na target.
Reklamo ng isang empleyado na itinago lamang sa pa-ngalang “Little C”, na madalas ang overtime sa kanilang kompanya kaya hirap silang makapaglakad ng 6,000 hakbang araw-araw para maabot nila ang 180,000 na target sa isang buwan.
Marami naman ang kumondena sa patakaran ng kompanya, na ayon sa mga netizens ay isa lamang paraan para bawasan ang sahod ng mga empleyado.
Ipinagtanggol naman ng ilan ang kompanya at nagsabing makakabuti ang patakaran sa kalusugan ng mga empleyado.
Hindi naman ito ang unang beses na may napabalitang kompanya sa China na nagpatupad ng patakaran sa paglalakad ng mga empleyado.
Noong Enero 2017, isang technology firm sa Chongqing ang binatikos din matapos nitong pilitin ang mga empleyado nito na maglakad ng 10,000 hakbang araw-araw.