Panagutan ang inyong mga tauhan!

TATAY ng namatay na kargador sa pier, nagpapasaklolo sa BITAG-Kilos Pronto. Panaghoy ng naulilang ama, tulong pinansiyal pampalibing sa kanyang anak.

Nakuryente ang kanyang anak at mga kasama nito habang naglalakad sa compound ng kanilang pinagtatrabahuan. Nagawa pang maitakbo sa ospital ang dalawang kasama.

Naagapan ang ibang biktima. Pero sa kasamaang palad, ‘di na umabot ang kanyang anak.

Masakit nito, tinatanggi sila ng kanilang mga employer. Hindi kinikilala dahil subcontractor lang ang mga pobre.

Hindi kayo nakakatulong sa ginagawa n’yo. Instead, you’re adding insult to injury. Ang pera nababawi, ang buhay ng isang tao hindi na.

Dahil subcontractor lang ‘yung mga tao, wala na kayong liability kahit nangamatay pa sila. Ganun ba? Expendable resources lang sila sa inyo?

Nakapagbigay lang ng kaunting halaga sa pamilya tapos wala na. Kumbaga iwas-pusoy at perwisyo.

Lumalabas kung anong klaseng mga employer kayo. Walang malasakit sa mga tao. Unfiltered.

Rason n’yo pa na off duty ang mga trabahante nang mangyari ang aksidente. At hindi dapat sila dapat naroon sa area. Kung ‘di ba naman kayo mga tanga, nasa jurisdiction n’yo pa rin sila.

Mga putok sa buho kayo… hindi kayo ligtas sa responsibilidad. Nalagay sila sa panganib dahil delikado ang kanilang work environment. Na-expose sila sa BITAG ng kamatayan.

May indirect liability ang principal employer. Kayo ‘yun. Sasagutin ng kompanya ang sala dahil  kayo’y nagpabaya.

Mga kabalbalan ba ang pinapairal diyan sa lugar nyo? Balita namin, marami nang naaksidente diyan.

The place is not conducive and pleasant to work at. Ang pangyayaring ito, puwedeng mangyari sa inyo at sa ibang tao. Baka kayo na ang susunod na mangingisay at bubulagta diyan.

Mga tao ang mga ito. Tao ninyo. Pananagutan n’yo sila kaya nararapat tulungan. Kung hindi, kikilos kami, kasama ang aming mga legal counsel.

 

Show comments