^

Punto Mo

EDITORYAL - Mababa na ang gasolina, pero bilihin, mataas pa!

Pang-masa
EDITORYAL - Mababa na ang gasolina, pero bilihin, mataas pa!

GINAGAWA ba ng Department of Trade and Industry (DTI) ang trabaho nila? Bakit hanggang nga­yon, wala pang pagbaba ng presyo sa mga pangunahing bilihin? Bakit hindi pa maramdaman ang sunud-sunod na rollback ng gasolina at diesel? Ano pa ang hinihintay ng DTI? O si President Duterte pa ang mag-uutos na ibaba ang presyo ng mga bilihin?’

Kahapon ay nag-rollback na naman ang petroleum products. Bumaba muli ang gasolina at naglalaro na lamang sa P48.00 ang bawat litro nito samantalang P38 sa diesel. May nakaamba pa umanong rollback sa susunod na linggo. Ayon sa report, magpapatuloy pa ang pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan sapagkat sobra ang supply.

Noong Setyembre, umabot sa P58.00 ang bawat litro ng gasolina na naging dahilan para tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng bigas, sardinas, mantika, asukal, kape, gatas at iba pa. Ang pagmamahal din ng petroleum products ang ugat sa pagtaas ng inflation na umabot sa 6.4 percent noong Agosto.

Dahil sa pagmahal ng bigas, na umabot sa P60.00 bawat kilo, marami ang umangal particular na ang mga kakarampot ang suweldo. Ang matindi, mahal na nga ang bigas ay nagkulang pa ang supply sa buong bansa. Naubos din ang stock na bigas ng National Food Authority (NFA). Mahaba ang pila sa mga tindahan para makabili ng NFA rice pero wala namang mabili. Noong nakaraang buwan, pinag-utos ni President Duterte na “free-for all” na ang pag-import ng bigas. Maaari nang umangkat ang kahit sino ng bigas.

Noong nakaraang buwan din, sinabi ng Presidente na sususpendihin na ang excise tax ng petroleum products sa Enero 1, 2019. Ito ay kasunod nang pagtaas ng presyo ng langis na umabot na sa $80 per barrel. Sa ilalim ng TRAIN Law, kapag nag-$80 per barrel ang langis sa world market, awtomatikong suspendido ang excise tax sa petroleum products.

Sunud-sunod ang rollback ng gasolina at diesel pero nakapagtatakang wala pang pagbaba sa mga presyo ng bilihin. Ang presyo ng bigas ay mataas pa rin ganundin ang pang-ulam na sardinas. Mahal pa rin ang mantika at isda. Mahal pa rin ang pamasahe at iba pang panga­ngailangan. Balewala ang rollback ng petroleum products kung hindi ibababa ang presyo ng mga bilihin. Kumilos sana ang DTI sa pagkakataong ito. Sila ang inaasahang gagalaw para rito.

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with