Lalaki sa India, tumuloy pa rin sa kanyang kasal 3 oras matapos barilin

PINATUNAYAN ng isang lalaki sa New Delhi, India na walang makapipigil sa kanyang magpakasal, harangan man siya ng sibat.

Hindi nga lang sibat ang pumigil sa groom kundi bala, matapos akyatin ng dalawang lalaki ang sinasakyan papunta sa kanyang kasal at barilin nang malapitan. Tinamaan siya sa balikat.

Agad na tumakas ang mga salarin at iniwan ang duguang groom.

Isinugod sa ospital ang lalaki at sinabi ng mga doktor na kailangan ang kumplikadong operasyon para maalis ang balang bumaon sa kanyang balikat.

Pero tumanggi ang lalaki at nagpasyang pabendahan na lang ang sugat at tumuloy sa kanyang kasal.

Kaya naikasal pa rin ang groom sa kanyang naghihintay na bride matapos lang ng tatlong oras mula sa nangyaring pamamaril.

Inaalam pa ang motibo ng dalawang suspek sa ginawa nilang pamamaril sa groom.

Show comments