^

Punto Mo

Bakit hindi maubus-ubos ang shabu?

PULSO NG MASA - Pang-masa

Halos araw-araw ay may nahuhuli at napapatay na drug suspects. Mga sachet ng shabu ang nakukumpiska sa kanila. Mayroon pang nahuhuli sa drug den at marami ring nakukuhang shabu roon ang mga pulis o ang PDEA.

Pero ang nakapagtataka ay kung bakit hindi maubus-ubos ang illegal drugs at lalo pa yatang dumarami sa kabila nang paghihigpit ng mga awtoridad. Di ba dapat kung araw-araw ang ginagawang operasyon ng PDEA at mga pulis, dapat nababawasan ang mga narerekober na shabu. Pero hindi ganito ang nangyayari sapagkat lalo pang dumadami sa paglipas ng panahon.

Kung ganito ang nangyayari, di ba dapat ay mag-isip ng paraan ang drug enforcement agencies kung paano matutuklasan ang pinanggagalingan ng shabu.

Kaysa ang kanilang puntiryahin ay ang mga pipitsuging drug pushers na nagbebenta ng pailan-ilang sachet, dapat magpokus sila sa mga nagpapasok sa bansa ng toneladang shabu. ‘Yung malalaking isda ang dapat malambat at hindi ang mga dilis.

Pagtuunan ng pansin ang mga nagpapasok ng bultu-bulto sapagkat ang mga ito ang nagbibigay ng problema sa bansa.

Kung hindi mapipigilan ang mga nagpapasok nang maraming shabu, walang mangyayari sa drug campaign ng pamahalaan. Sayang lang ang pagpapagod ng PDEA at mga pulis sapagkat hindi masosolb ang problema kung mga pipitsugin ang huhulihin.

Nararapat bantayan ang mga baybaying dagat ng bansa sapagkat ang ginagawa ng mga sindikato ay ang ipinaaanod ang mga kontrabando at saka kinukuha ng mga kasabwat sa laot.

Dapat maging alerrto ang Coast Guard sapagkat kapag nakalusot sa kanila ang mga kontrababando, maraming sisiraing buhay lalo ang mga kabataan.

Ang source ng shabu ang pagtuunan para matapos na ang problema.

--- MARIO JABAL, Parañaque City

DRUG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with