^

Punto Mo

Ulo ng lalaki sa Zimbabwe, sinakmal ng hippopotamus himalang nakaligtas!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI lahat nang hippopotamus ay mabait o maamo sa tao. Marami rin sa kanila sa likod nang maamong itsura ay nagtatago ang kanilang mabangis na pag-uugali na kung minsan ay mas malala pa sa kilos ng mga buwaya.

Si Paul Templer ay nagpapatakbo ng isang negosyo sa Zimbabwe na nagpaparenta ng maliliit na bangka para sa mga turistang gustong libutin ang Zambezi River.

Puno ang nasabing ilog ng hippopotamus kaya maraming turista ang gustong puntahan ito at makita ng malapitan ang mga dambuhalang hayop habang sila ay nasa tubig. Hindi naman agresibo ang mga hippo sa nasabing ilog at sanay na ito sa mga dumadaang bangka na lumalapit sa kanila.

Kaya naman nagulat na lang si Paul nang bigla na lang binangga ng isang hippopotamus ang bangkang sinasakyan niya at ng mga turista. Tumilapon silang lahat sa tubig. Biglang nagdilim at tumahimik ang paligid ni Paul.

Nilamon na pala ng hippopotamus ang itaas na bahagi ng katawan ni Paul kabilang na ang kanyang ulo na nasa loob na ng bunganga ng hayop. Matapos siyang lamunin ay inihagis pa siya ng dambuhala ng ilang beses sa ere at saka siya tinusok-tusok ng mga pangil nito. Nagawa lamang makatakas ni Paul nang inihagis na siya ng hippo pailalim ng tubig.

Naiahon si Paul ng isa sa mga turista at napakasuwerte niyang may isang medical team na malapit sa lugar na nagsasagawa ng emergency drill. Sila ang nagbigay ng paunang lunas kay Paul bago siya nadala sa ospital. Bagama’t naputulan siya ng isang braso ay nagawa naman niyang makapagpagaling ng lubusan sa kabila ng 40 mga sugat na kanyang tinamo.

Ngayon ay tuloy pa rin siya sa pagpapatakbo ng kanyang negosyo sa Zimbabwe at namamangka pa rin siya sa Zambezi River kung saan nakakasalubong pa rin niya ang hippopotamus na muntik nang kumitil ng kanyang buhay.

HIPPOPOTAMUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with