^

Punto Mo

Unahin mo pamilya mo bago ang trabaho!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SAGRADO ang relasyon ng isang magulang at kanyang mga anak. Kaya naman napakaimportante na palaging may komunikasyon ang bawat isa.

Kailangang may respeto at takot ang mga anak sa magulang. Ang mga magulang naman, kailangang mahalin, alagaan at patnubayan ang kanilang mga anak.

Kapag ‘di maayos ang relasyon ng isang ama sa mga anak, maaapektuhan ang mga bata. Malungkot na katotohanan pero sa Pinas, kalimitan ay napapabayaan ang mga anak.

Ang dahilan, subsob ang mga magulang sa trabaho. Ang ilan, nasa malayong lugar, hindi kapiling ang pamilya dahil pa rin sa trabaho.

Aminin na natin, maraming kabataan ngayon, hindi nabigyan ng tamang alaga at atensyon. Mapapabarkada’t mapapariwara dahil walang tumatayong gabay sa kanila.

Ito ang naging problema ng isang tatay na nagreklamo sa aming tanggapan kahapon. Lumapit sa amin dahil nakulong ang kanyang anak na babae, ang dahilan ay droga.

Pupunta lang daw ng kasal nang biglang hinintuan ng mga pulis at pina-inspeksyon ang bag. Pinalalabas na nag-planta ang mga pulis ng droga sa loob ng kanyang bag.

Sa mga inilabas na report, nasa surveillance list ang kanyang anak. Galing ito sa info reference ng iba’t ibang ahensya, kasama na ang mga pulis, lokal na gobyerno at komunidad mismo.

Ang hindi naiintindihan ng ama at ayaw nitong tanggapin ang totoong sitwasyon ay nagsagawa ng buy-bust operation. May paghahanda, may prior knowledge sa target – ang kaniyang anak.

Malas niya at ang nabentahan ng droga ng kaniyang anak ay isang police asset. Positibong tumanggap ito ng marked money.

Ngayon ang ginawa, tinapon ang droga at tinangkang tumakas. Nahuli at ngayo’y nakakulong sa Pangasinan.

Ang ama, walang nagawa dahil wala siya sa lugar na pinangyarihan ng insidente. Aminado siya rito.

Hindi niya alam ang mga kilos at galaw ng kanyang sariling anak. Lumaki sa probinsya ang babae habang siya’y nasa malayo. Naghahanap-buhay sa Maynila bilang isang driver.

Mga boss, intindihin niyo itong maigi. Unahin niyo ang pamilya bago ang trabaho. Kaya kayo nagtatrabaho para buhayin ang pamilya.

Sa kaso ni manong, walang silbi ang pagtatrabaho niya dahil nawawalan ng direksyon ang mga iniwan niyang mahal sa buhay. Nalaman naming mayroon pa siyang dalawang anak sa probinsya. Isang 10 years old at isang 5 years old.

Paulit-ulit naming sinabi, isalba niya ang kanyang pamilya. Ang pagmamahal ng isang magulang ay hindi matatawaran. Kung ‘di pa siya aaksyon, pati ‘yung dalawa niyang anak mapapariwara.

KOMUNIKASYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with