^

Punto Mo

Kinawawa ang mga biktima ng Yolanda

PULSO NG MASA - Pang-masa

Nabasa ko ang inyong editorial noong Nobyembre 11, 2018 issue na tumatalakay sa miserableng kalagayan ng mga nabiktima ng Bagyong Yolanda noong Nob. 8. 2013 na ikinamatay ng 6,000 katao at marami pang nawawala. Isa sa mga nasalanta ay ang Eastern Samar na halos lahat ng bahay sa malapit sa dagat ay nawasak. Sa taas at lakas ng alon, pati ang mga barkong nasa laot ay dinala sa dalampasigan. Hindi malilimutan ang pangyayaring iyon na para sa mga taga-Samar ay isang bangungot. Hanggang ngayon, marami pa rin ang may trauma sa naranas na malalaking alon na sumagasa sa kanilang mga bahay. Parang mga natumbang posporo ang mga bahay nang sagasaan nang malalaking alon.

Pero mas matindi ang bangungot na dinaranas ngayon ng mga biktima ng Yolanda sapagkat makalipas ang limang taon, hanggang ngayon ay wala pa silang desenteng tahanan. Hanggang ngayon ang kanilang pangarap na makatira sa sariling tahanan ay nananatiling pangarap at hindi nila alam kung kailan matutupad. Hindi nila alam kung bakit hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang pagdurusa. Hindi pa rin matapus-tapos ang kanilang paghihirap sa kabila na malaki naman ang pondo ng gobyerno para sa pagpapagawa ng mga bahay. Marami rin umanong tulong na ipinadala ang mga malalaking bansa. Nasaan na ang malaking pondo para sa pagpapagawa ng bahay? At bakit marami ring nakatiwangwang na mga bahay na ang mga bakal na patigas ay kinakalawang na? Sabi ng ilang biktima, hindi na uubra ang mga patigas na bakal sapagkat kinain na ng kalawang. Ibig sabihin nito, nasayang lamang ang pera sa pagpapatayo ng mga bahay na hindi naman natapos.

Sana maparusahan ang mga nasa likod ng pagpapabaya sa mga sinimulang bahay na ngayon ay kinakalawang na. Mabuti pang ipinamudmod ang pera sa mga nasalanta at kanya-kanyang tayo na lamang ng bahay. Kaysa naman makitang may mga kalansay ng bahay na wala namang nakikinabang kundi kalawang. Dapat panagutin ang mga korap na walang alam kundi ang makakurakot. Bulukin sila sa bilangguan. Hindi sila dapat kaaawaan.

Sana matapos na ang pagdurusa ng mga biktima ng Yolanda. Matagal na silang nagtitiis.

--- Manuel Melayo, Cordillera St. Quezon City

BAGYONG YOLANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with