10 katotohanan ng buhay
Mahahalata mo kung genuine ang ngiti ng iyong kaharap: Nagkakaroon ng wrinkles ang corners ng kanilang mata habang nakangiti.
Ang isang palatandaan na may gusto sa iyo ang iyong kausap: Madalas niyang ikinikisap ang kanyang mata habang nagkukuwentuhan kayo
Kapag kinukumbinsi mo ang iyong kausap tungkol sa isang bagay, siguraduhin mong nakatayo ka habang siya ay nakaupo.
Ang taong nagtatagumpay ay may dalawang pinanghahawakang paniwala: a) Mas magiging maganda ang aking kinabukasan kaysa kasalukuyan. b) at may kapangyarihan akong isakatuparan iyon.
Ang ating ilong ay konektado sa memory center ng utak. Ito ang dahilan kung bakit sa pamamagitan ng amoy ay may nagbabalik na alaala ng nakalipas.
Nagiging kaakit-akit ka sa isang tao kung hindi sinasadyang napapatawa o napapangiti mo siya nang madalas.
Para mas makapag-concentrate sa pagre-review, pagsusulat o pagbabasa, magpatugtog ng instrumental music.
Nakakatulong ang pagkain ng black chocolates habang nagre-review sa pag-aaral para manatili sa utak ang pinag-aralan.
Mas makabuluhan at maraming secret messages ang ating napapanaginipan kaysa mga bagay na iniisip natin kapag tayo ay gising. Mga 70 percent ng panaginip ay may secret messages. Dito papasok ang dream interpretation.
Mas productive ang mga tao kapag ang pintura ng kanilang workplace ay blue.
- Latest