Pinakamalaking lamok sa mundo, nadiskubre sa China
ISANG supersized na insekto ang nadiskubre sa China at kinoronahan bilang pinakamalaking lamok sa mundo, ayon sa Guinness World Record. Ang lamok ay nadiskubre ni Chinese entomologist Zhao Li ng Insect Museum of West China noong Hunyo. Kasalukuyang naka-display ang lamok sa southwest China.
Ang insekto ay isang Holorusia Mikado, na pinakamalaking uri ng lamok.
Nasa 11.15 cm ang haba ng pakpak ng lamok samantalang nasa 25.8 sentimetro o higit dalawang talampakan naman ang puwang sa pagitan ng mga paa nito.
Ang bagong world record ay naging opisyal ngayong linggo makaraang isyuhan ng certificate ng Guinness si Zhao Li.
Ang dating world record ay hawak ng isang lamok na nadiskubre ng British zoologist na si Mark Carwardine na nasa 23 sentimetro naman ang puwang sa pagitan ng mga paa nito.
- Latest