^

Punto Mo

Pagiging guerrero ni Komisyuner, masusubukan!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

BAKAS sa inaugural speech ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang gigil sa hinaharap na hamon nito sa bakuran ng Bureau of Customs na kilala bilang pugad ng mga tiwaling nilalang na hindi nakukuha sa pakiusap at matikas na liderato.

Nabanggit ni Guerrero na marami na sa nagdaang mga naging komisyuner ang sinira ng masamang kultura at bulok na sistema sa bakuran ng BOC ang naging maruming bahid sa pagkatao ng mga ito at maging sa kanilang pamilya, kaya ipinag-utos nito ang agarang pagputol sa lagayan o pagtanggap ng tara sa bawat cargo containers na lalabas sa BOC. Adios mga insurrectos!

Sectioning na duling bantayan!

May kanya-kanyang section ang mga produktong laman ng mga cargo containers mula sa agricultural products hanggang sa maliit na makinarya, damit o clothing materials, electronic gadgets at spare parts, chemical products, hardwares at mga sasakyan ang dumadaan sa kamay ng mga appraiser at examiners sa assessment division ng BOC ang madaling mailusot sa pakikipagsabwatan ng mga foreign forwarders, brokers/middlemen na ang destinasyon ay consignees for hire upang mailigaw ang totoong klasipikasyon ng mga kargamentos. Dito rin papasok ang misdeclarations of true value, true quantities kalakip ang true sections kung saan ito nararapat eksaminin at iproseso.

Palundag at suki system iwasang buhayin!

Karaniwan nang ginagamit ang general merchandise bilang cargo classification, kaya nagkakaroon nang malaking discrepancies sa halaga ng dapat na makolektang buwis. Sinasadya ito ng karamihang importers upang mailigaw sa tamang section at maitago ang bawal o banned products at makaiwas sa malaking perwisyo at buwis na babayaran. Nagsimula ang ganitong modus magmula ng pairalin ang fixed taxation o benchmarking procedures para sa general merchandise cargoes. Dito nakagawian ang palundag at suki system sa Assessment Division sa BOC. Alam ito ng BOC Law Enforcers, kaya bakit nga naman sila magpapalugi. Hahahaha tara na!

REY LEONARDO GUERRERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with