^

Punto Mo

Lalaki, hinila ang 677-toneladang barko gamit ang ngipin

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG Ukrainian strongman na binansagang “Tug-Tooth” ang nakapagtala ng bagong record sa kanyang bansa, at posible ng isang bagong world record din, sa pamamagitan ng paghila sa isang 677-toneladang cargo ship gamit lang ang kanyang ngipin.

Hinila ng taga-Lviv, Ukraine na si Oleg “Tug-Tooth” Skavych ang cargo ship na Vereshchagino sa layong 52 talampakan upang maitala ang isang bagong national record para sa Ukraine.

Bagama’t wala pang opisyal na kumpirmasyon ay sinasabing nahigitan din ng naitalang record ni Skavych ang kasalukuyang world record na naitala ng Ruso na si Omar Hanapiev, na humila ng 635-toneladang cargo ship sa layong 50 talampakan noong 2001.

Isinumite na ang aplikasyon ni Skavych sa Guinness World Record upang opisyal nang kilalanin ang bagong world record na kanyang naitala.

Hindi ito ang unang world record ni Skavych kapag nagkataon. Dati na siyang  kinilala ng Guinness World Records nang hilahin niya gamit din ang kanyang ngipin ang isang 21.5-toneladang tram sa layong 22.3 talampakan.

NGIPIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with