Hala, bawal ‘yan!

KUNG nagpaplano kang mag-abroad, mag-research  muna kung ano ang mga ipinagbabawal sa bansang pupuntahan mo. Hindi naman kaagad nila ikinukulong ang mga turista, kadalasan ay nagpapataw lang sila ng malaking multa.

Sa Venice, Italy ay may mga spot  na bawal tambayan o kahit simpleng pag-upo lang. Ang multa dito ay $588. Ginagawa nila ito upang ma-discourage na ang mga turista na magpunta sa kanilang lugar. Overcrowded na kasi ang mga tao rito. Kung hindi gagawin ang paghihigpit ay malamang na mababoy na ang lugar. Kung gusto mong tumambay at umupo lang, pumasok sa coffee shop at mag-order ng kape.

Bawal kumain habang nasa kalye ng Florence Italy. Multa $570.

Kung pupunta ka sa mga beaches ng Sardinia Italy, ipinagbabawal nila ang pagkuha ng buhangin, shell at bato sa kanilang mga beaches. Pink ang kulay ng buhangin dito kaya ganoon na lang ang paghihigpit nila. Multa: $3,482.

 May ganoon ding pagbabawal sa beaches ng Cornwall, England pero bato lang ang bawal kuhanin. May guest ng beach na kumuha ng bato pero nang mabisto ay nakauwi na ito. Sinundan siya ng mga otoridad sa kanyang bahay at pinabiyahe pabalik sa beach para siya mismo ang magbalik ng ninakaw niyang bato. Multa: $1,283. Kapag nabawasan ang mga bato, magiging dahilan ito ng soil erosion. Bulubundukin kasi ang lugar.

Pagha-hiking ng hubo’t hubad sa Alps ng Swirzerland ay isang krimen. Multa: $100. Nangyayari ang paghuhubo’t hubad ng ibang hikers kapag summer.

Bawal maglasing sa anumang bar sa Alaska. Bukod sa kulong, may kasama pa itong multa pero walang specified na halaga.

 

Show comments