“BAKIT ako?” ang naitatanong ng ibang tao sa kanilang sarili kapag sobrang hirap sa buhay ang nararanasan nila. Kung minsan ay may karugtong pa itong dayalog na: “ Mabait naman ako, bakit ako pa ang dumaranas ng ganito kabigat na problema?” May sagot ang Bibliya riyan:
Para pigain ang kabutihan ng isang tao. (Psalm 119:71)
Para masubukan ang katapatan ng tao sa Panginoong Diyos (Job1-2)
Para pinuhin lalo ang karakter nang sa ganoon ay umunlad ang pagkatao. (John 15: 2)
Para mapalakas ang spitual power. (Romans 5:1-8)
Para maging magpakumbaba at matutong tumanggap ng kamalian. (Psalm 89:30-33)
Para magkaroon ng dahilang makatanggap ng gantimpala. (2 Corinthian 4:17)
Para ipakita ang kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis. (Hebrew 5:8)
Para ituwid tayo ng Panginoon tanda ng kanyang pagmamahal. (Hebrew 12:5-10)
Para maipakita ng Diyos ang kanyang katapatan. (Psalm 119: 75)
Para ipakita na ang matuwid na tao, kahit makaranas ng bagyo ay hindi nagigiba na parang isang matibay na gusali. (Proverbs 10: 25)