^

Punto Mo

Raket sa sementeryo, tagumpay!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

BUMUHOS ang maraming negosyo sa mga sementeryo sa buong bansa dahil sa pista ito ng mga patay. Kung sisipiin, bilyong halaga ng mga imported na mga bulaklak at kandila ang nakonsumo rito.

Sinamantala rin ng mga snatcher, mandurukot at mga akyat bahay ang okasyon kaya puwede na ring tawagin itong pista ng mga halang ang kaluluwa! Di ba?

 Mabuti pa ang mga pintor at artists ng mga nanlalabo nang mga lapida sa mga nitso at mga hardinerong de kutsilyo, malaki talaga ang kinita, pero pinaghirapan nila. Ayos yan!

Traditional politicians, bumaha!

Malaking tulong sa mamamayan ang mga tent na inilagay sa sementeryo ng mga lokal na pamahalaan kahit punumpuno ito ng mga pangalan ng mga kakandidato sa darating na eleksyon. Meron din nama’ng mga tarpaulins ng pagbati at pakikiisa sa tradisyonal na selebrasyon ang mga traditional politicians, na ternung-terno sa okasyon. Ang biro nga ng isang lokotoy sa nagkakabit ng tarpaulins ay gawin na itong permanenteng yari sa marmol at ilagay pati birthday at pangalan ng mga nagmamahal. Ano, lapida? Nakakahiya naman!

Pekeng pari na may sakristan na alalay, umapir din?

May mga umapir din na nag-aalok ng magdadasal at magbebendisyon para sa mga puntod ng mga namayapang mga mahal sa buhay, may kasamang naka-abitong pari na may kasamang alalay na may bitbit na bag at librong binabasa sa oras ng kanilang pagbebendisyon na hindi naman kilala sa parokya at hindi sigurado kung holy water nga ang laman ng iwiniwisik nito. Sana naman kahit fake, e mineral water naman, hahaha!

Bantay kotse, guhit pag tumanggi

Lumipana rin ang mga rugby kids na namamalimos ng pangkain at nag-alok pa na babantayan nila ang kotse ng kausap nila, pero ang siste, nang  tumanggi ang kinausap nila, ginuhitan ng mga bugok ang kotse ng mga ito gamit ang tansan at pako. Sori na lang po!

RAKET SA SEMENTERYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with