^

Punto Mo

Umangas ang ilang senador sa diskarte ni Digong

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

DUMISKARTE na nang husto si Pres. Digong Duterte para isulong ang tunay na reporma sa kalagitnaan ng pamumuno nito. Isa rito ang pag-uutos sa bagong talagang BOC Commissioner Gen. Rey Leonardo Guerrero na pumili ng matitinong military men para tumulong sa kanya sa trabaho nito sa BOC.

May ilan namang senador na kumukuwestiyon sa desisyong ito ni Digong at labag daw ito sa konstitusyon. Eh bakit ang PDAF at DAP na sinagkaan na ng Supreme Court ay nagpapatuloy pa rin?

May ilang senador tayo na nakahiga na sa pera at ang iba ay may mga kaso pa ng pandarambong ang nakinabang sa maruming sistema ng gobyerno, kaya hindi nakapagtatakang sumasalungat ang mga ito sa programang reporma ni Digong. Bakit, may bumubulong ba sa kanilang kaibigan nila o campaign funds contributors nila na mga players sa BOC?

Tapos na ang pagbabayad utang!

Karaniwan sa mga bumabakas sa politika ang makinabang sa binakasan nila, kaya naman kahit hindi kuwalipikado ay nakakakopo ng posisyon sa gobyerno. May mga transaksyones din na pinapasok ang mga ito na maaring may koneksyon din sa hanapbuhay sa BOC. ‘Yun o!

Marami sa nakapaligid kay Digong sa unang taon nito sa Malacañang ang mga amuyong nitong kaibigan, kaklase at kapartido na ang iba ay nasibak na sa regalong mga posisyon dahil sa katiwalian at kahinaan ng liderato. May mga rekomendado rin ang mga loko na pumalpak na, at ang bayan ngayon ang nakanganga!

Unfair na trato sa military personnel

Pang disaster at rescue operation lang ba ang extra role ng mga sundalo? Hindi ba tungkulin ito ng governor at mayors sa kani-kanilang bayan?

Natatakot ba sila na hindi na makakalusot ang itatakas nilang kargamentos, dahil may hahabol na sa kanilang mga armadong grupo? Pasintabi po! Hehehe!

REY LEONARDO GUERRERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with