‘Hamog boys, solvent boys’, sa Roxas Blvd, aksiyunan!

Mukhang hindi pa nabibigyan ng pansin at pag-aksyon ng mga kinauukulan ang mga nagkalat na kabataan dyan sa may Roxas Boulevard malapit sa panulukan ng Pedro Gil.

Ano ba ang itatawag sa mga ito? ‘Palaboy, hamog boys , solvent boys’ o kahit ano na at talaga namang perwisyo na sa maraming motorista na dumadaan dyan sa lugar..

Matagal na nating binigyang pansin sa kolum na ito ang mga kabataan na nambibiktima hindi lamang sa mga pribadong sasakyan na dumadaan dyan kundi maging sa mga UV Express.

Eto ay maging babala na rin sa mga motorista, palagi kayong ma-lock ng inyong pinto ng iyong sasakyan kung dadaan sa lugar na yan para di kayo mabiktima ng matatapang na kabataan na ito.

Nasa edad 6-anyos ang pinakabata na ‘tumitira’ riyan.

Gaya nang dati ang siste nagmamatyag ang mga yan lalo na kung naka-stop ang traffic light sa mga pribadong sasakyan, iniispatan kung hindi naka-lock ang pintuan, titignan kung ano ang makukulimbat sa loob saka bigla nilang bubuksan sabay kuha sa gamit sabay takbo.

Sa mga pampubliko namang sasakyan, ganyan din ang istilo ng mga yan, lalo na ang mga UV Express, sabay bukas sa pinto sabay kuha ng pera na naispatan na nila na nakalagay sa dash board.

Ang tatapang , kahit mga driver walang magawa at mistulang sila pa ang natatakot sa mga kabataang ito.

Maging ang mga pasahero na sakay ng mga ito hinuhuthutan ng mga palaboy, maaangas at matatapang.

Nasaksihan ko at ng aking driver ang modus ng mga kabataan nang biglang ikutan ang isang namamasadang UV Express, naispatan na hindi nakalock ang pinto, ang isa sa side ng driver lumapit mistulang nililibang ang isa sa may passenger side sa harap sabay bukas ng saka nilimas ang pera na nakalagay sa dash board.karamihan ay barya,  

Mabubuti at malakas ang loob ng driver kong si Jun na sinalayahan ng pinto ang binatilyong may dala ng pera kaya nabitiwan nito ang kinulimbat sa driver sabay takas.

Pinulot pa ito ng driver ko saka ibinalik sa driver na kinulimbatan.

Ang siste yung kasapakat na mas bata nakuha pa ring mamulot sa kumalat na barya.

May kasamang spotter ang mga ito na siya namang sinasabing nambabato sa iang sasakyan.

Hindi mo alam kung trip-trip lang ang ginagawang pambabato ng mga itosa ilang makukursunadahang sasakyan na mapanganib pa sa daan.

Huwag naman sanang may matinding pangyayari pa ang maganap bago ito bigyan ng kaukulang pansin at aksyon.

Pihado rin na may namumuno sa mga kabataang ito

Madali namang ‘mawalis’ sa lansangan dahil alam na alam ang lugar ng tinatambayan ,ewan nga lang bakit walang giwa ukol dito.

Show comments