TAYONG mga Pilipino ay sanay sa hirap at sakripisyo kaya naman ang iba sa atin ay nakikipagsapalaran sa ibang bansa para sa mas malaking suweldo.
Sa una ay nakakagalak dahil makakatulong ka sa pamilya subalit kapag andoon ka na ay masasabi mong mahirap nga pala talaga.
Ang kadalasang trabaho ng overseas Filipino workers sa Middle East, domestic helper. Hindi ito biro dahil nakikipagkumpetensiya sila sa ibang bansa na “bagsak presyo” para pagsilbihan ang mga Arabong amo.
Hindi sa nilalahat ko, pero kadalasan, itong mga OFW na may itsura kapag hindi pinagbubuntunan ng selos ni Arabong misis e mga anak mismo ang gumagawa ng katarantaduhan sa kanila.
Hindi rin sa nanglalait ako, pero hubo’t hubad na katotohanan na itong mga sadistang Arabong misis na amoy-sibuyas at parang isdang malansa na nabubulok sa palengke, insecure sa mga mababango at amoy-pinipig na mga Pilipina. Eto ang mga dahilan kung bakit ganoon na lamang sila abusuhin at tratuhing parang hayop sa mga bansa sa Middle East.
Araw-araw sa Bitag-Kilos Pronto Action Center, may natatanggap kaming mga sumbong ukol sa mga OFW na nagtatrabaho sa Middle East. Ang kadalasang sumbong ng mga humahagulgol na Pinay OFW o ‘di kaya ng kanilang mga kaanak sa BITAG-Kilos Pronto ay pang-aabuso, pagmamaltrato, at pangmamanyak ng kanilang amo.
Kaya naman ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA), muling ibabalik at patataasin pa ang escrow fund ng bawat Foreign Recruitment Agency na gustong mag-hire ng mga Pinay household workers.
Sa mga ‘di pamilyar, ang escrow fund ay parang “bond” na ibinibigay ng FRA para makasiguro na sila ay kukuha ng serbisyo. Ihuhulog nila ito sa mga pinagkakatiwalaang banko ng POEA. Samakatuwid, ito rin ay magsisilbing proteksiyon sa mga OFW kung sila man ay di bigyan ng suweldo o di kaya naman ay ayaw pauwiin kahit tapos na ang kanilang kontrata.
Kung tutuusin nga, kakarampot pa ang $10,000 na ibinabayad ng bawat FRA sa abusong inaabot ng mga kababayan natin. Dapat itong taasan pa para na rin sa seguridad at proteksiyon ng mga nangangamuhan na OFW lalo na sa Middle East.