^

Punto Mo

Welcome sa impiyerno sina Guban, Acierto at Fajardo!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

INAMIN ni resigned BOC Intelligence Oficer Jimmy Guban sa isinagawang Senate Blue Ribbon Committee investigation na alam nito na may droga ang magnetic lifters na kargamento bago pa man ito dumating sa bansa mula sa China at Malaysia. Itinuro ni Guban sina PNP Anti-Illegal Drug Group OIC Eduardo Acierto at Philippine Drug Enforcement Agency Deputy Director Ismael Fajardo Jr na mga kakutsaba niya sa paparating na shipments ng shabu. Habambuhay na kulong lang ang magiging hatol sa tatlong bugok na ito. Pukaw na mo!

Timing sa eleksyon ang pagdating ng shabu!

Nakakapagduda rin na habang lumalapit ang eleksiyon ay bulto-bulto ang nahuhuling shabu na hindi maialis na pagdudahan ng mamamayan. Ngayong nabulgar na na may matataas na opisyales ng PNP, BOC at PDEA ang sangkot sa sindikato ng droga, nagtatanong ang mamamayan kung may amo ang tatlong bugok na ito na narco-politicians.

Nakakabanas ding isipin kung bakit ipinagpilitang tanggalin ng dalawang kapulungan ng Kongreso noon ang hatol na bitay sa mga bigtime drug syndicate members na nahuhuli. Sino kaya ang nag-lobby nito sa Kongreso at Senado?

Promotor sa pag-aalis ng bitay

Noong June 24, 2006, sa ilalim ng RA 9346, na-abolish ang death penalty sa panahon ng administrasyon ni Gloria Macapagal Arroyo , samantalang ang Speaker of the House ay si Jose de Venecia at Senate President ay si Franklin Drilon. Nilagyan lamang ito ng dekorasyon na ang sino mang nahatulan ng bitay bago pa isabatas ito ay hindi kuwalipikado sa parole. Sa ngayon, Speaker na si Gloria at senador pa rin si Drilon. Sino ngayon ang maglalakas loob na mag-file ng bill para amyendahan ang batas upang maibalik ang parusang bitay, eh nakaupo pa rin pala ang promotor na alisin ang hatol na bitay. Inutil nga!

JIMMY GUBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with