(Part 3)
Ipinagpilitan ni Marie Curie na navy blue ang gusto niyang kulay ng kanyang wedding dress. Katwiran niya, pagkatapos ng wedding ceremony, agad siyang dideretso sa kanyang laboratory. Nakakahinayang kung puti, kitang kita kapag namantsahan.
Ang mga research ni Marie Curie ay collaboration nilang mag-asawa, si Pierre. Pero kapag isinasali nila sa Nobel Prize committee ang kanilang research paper, pangalan lang ng husband ang lumalabas na author. Nangingibabaw kasi ang sexism nang panahon iyon. Pero nang baguhin ang mga rules, at naging bukas na ang mga paligsahan sa mga babae, si Marie ang pinakaunang babae na nanalo sa Nobel Prize.
Ayaw tanggapin ng French Academy of Sciences si Marie bilang member dahil babae siya. Ang masama pa, siniraan ng academy si Marie nang malamang nakatakda itong tumanggap ng kanyang ikalawang Nobel Prize. Parang nainsulto ang kanilang pagkalalaki. Dito nagsimulang atakihin ng depresyon si Marie. Naisip niyang huwag nang tanggapin ang ikalawang Nobel Prize.
Sinulatan siya ng bestfriend na si Einstein. Pinalakas nito ang kanyang loob at sinabihang matutuwa ang mga kumakalaban sa kanya kung padadaig siya sa depresyon. Nagbago ang desisyon ni Marie at tinanggap niya ang ikalawang Nobel Prize.