Norwegian ultra runner na si Bjorn Tore Taranger, 39, sa layong 264.5 km habang nasa treadmill sa loob ng 24 hours para mahigitan ang world record na naitala noong isang taon.
Nahigitan niya ang dating world record na hawak ng Australian na si Luca Turrini na tumakbo ng 261.18 km noong isang taon.
Hindi lang record ni Turrini ang nalampasan ni Taranger dahil nahigitan din niya ang 240 km national record sa Norway.
Mas nakakamangha ang nagawa ni Taranger dahil noong isang taon ay nasa 10th place lamang siya sa 24 hr World Championships in Belfast in 2017, kung saan tumakbo siya ng 257.6 km.
“I knew I had it in me, I was not in doubt,” pahayag ni Taranger matapos niyang maitala ang bagong world record. “I knew that as long as I managed to get in my nutrition, follow the plan with the wonderful people here who have supported me throughout the night. That was awesome!,” dagdag pa niya.